2
Paghuhugas ng kamay Pagdistansya sa mga tao 2 Metro Pagbubukod ng sarili sa bahay kung may sakit ka Hindi pamalit ang pantakip sa ilong at bibig para sa sumusunod Pagsusuot ng Pantakip sa Ilong at Bibig sa mga Pampublikong Lugar 1 Kailan? Babala: Bakit? Kapag hindi posible ang pagdistansya sa mga tao sa mga pampublikong lugar, halimbawa kapag namimili ka o nakasakay sa pampublikong transportasyon. Kung may sakit ka, manatili sa bahay. Kung kailangan mong pumunta sa isang klinika o ospital, puwede mong suotin ang iyong pantakip sa ilong at bibig hanggang bigyan ka ng mask para sa procedure. Hindi lahat ng may COVID-19 ay nakikitaan ng mga sintomas. Hindi nga alam ng ilang tao na nahawahan na sila. Ang pagsusuot ng pantakip sa ilong at bibig ay puwedeng makabawas sa panganib na maikalat ng isang taong may impeksyon ang COVID-19 sa iba, nang hindi niya nalalaman. Ang pagsusuot ng pantakip sa ilong at bibig sa mga pampublikong lugar ay kailangang may kasamang iba pang pamprotektang paraan, kasama rito ang mga tamang gawi sa kalinisan at pagdistansya sa mga tao. Dapat ikaw lang ang gumagamit ng iyong pantakip sa ilong at bibig, sa tamang paraan, at nang regular na nilalabhan. Paano gamitin ang iyong pantakip sa ilong at bibig 1 Gamit ang isang kamay, itakip ito sa iyong ilong at bibig. Gamitin ang isa mo pang kamay para ikabit ito sa likod ng iyong mga tainga gamit ang nababanat na pantali o mga pisi. 2 I-adjust ang pantakip sa iyong ilong. 3 Ngayon i-adjust ito sa ilalim ng iyong baba Hugasan ang iyong mga kamay BAGO at PAGKATAPOS gamitin ang pantakip. Palitan ang pantakip sa ilong at bibig mo kung maging mamasa-masa na ito, marumihan o masira. Huwag iwanang nakasabit ang pantakip sa ilong at bibig sa iyong leeg o tainga. Panatilihin ito sa iyong ilong at bibig at iwasang hipuin ito. Kung hahawakan mo ang iyong pantakip habang suot ito, hugasang mabuti ang iyong mga kamay sa lalong madaling panahon. Tanggalin ang iyong pantakip sa ilong at bibig sa pamamagitan ng paghawak sa nababanat na pantali o mga pisi nang hindi hinahawakan ang harap. Itupi ang mga panlabas na parte ng pantakip sa ilong at bibig at ilagay ito sa isang malinis na bag. Puwede mong labhan ang pantakip pagkauwing pagkauwi mo, kasama ng ibang labahin. 2 3 Hindi dapat magsuot ng mga pantakip sa ilong at bibig ang mga batang wala pang dalawang taong gulang, mga taong may mga problema sa paghinga o mga may kapansanan o nangangailangan ng tulong sa pagtanggal ng kanilang mga pantakip.

Pagsusuot ng Pantakip sa Ilong at Bibig sa mga

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuot ng Pantakip sa Ilong at Bibig sa mga

picto crevé

Paghuhugas ng kamay

Pagdistansya sa mga tao

2 Metro

Pagbubukod ng sarili sa bahay kung

may sakit ka

Hindi pamalit ang pantakip sa ilong at bibig para sa sumusunod

Pagsusuot ng Pantakip sa Ilong at Bibig sa mga Pampublikong Lugar

1

Kailan?

Babala:

Bakit?

Kapag hindi posible ang pagdistansya sa mga tao sa mga pampublikong lugar, halimbawa kapag namimili ka o nakasakay sa pampublikong transportasyon. Kung may sakit ka, manatili sa bahay. Kung kailangan mong pumunta sa isang klinika o ospital, puwede mong suotin ang iyong pantakip sa ilong at bibig hanggang bigyan ka ng mask para sa procedure.

Hindi lahat ng may COVID-19 ay nakikitaan ng mga sintomas. Hindi nga alam ng ilang tao na nahawahan na sila. Ang pagsusuot ng pantakip sa ilong at bibig ay puwedeng makabawas sa panganib na maikalat ng isang taong may impeksyon ang COVID-19 sa iba, nang hindi niya nalalaman. Ang pagsusuot ng pantakip sa ilong at bibig sa mga pampublikong lugar ay kailangang may kasamang iba pang pamprotektang paraan, kasama rito ang mga tamang gawi sa kalinisan at pagdistansya sa mga tao. Dapat ikaw lang ang gumagamit ng iyong pantakip sa ilong at bibig, sa tamang paraan, at nang regular na nilalabhan.

Paano gamitin ang iyong pantakip sa ilong at bibig

1 Gamit ang isang kamay, itakip ito sa iyong ilong at bibig. Gamitin ang isa mo pang kamay para ikabit ito sa likod ng iyong mga tainga gamit ang nababanat na pantali o mga pisi.

2 I-adjust ang pantakip sa iyong ilong.

3 Ngayon i-adjust ito sa ilalim ng iyong baba

Hugasan ang iyong mga kamay BAGO at PAGKATAPOS gamitin ang pantakip.

Palitan ang pantakip sa ilong at bibig mo kung maging mamasa-masa na ito, marumihan o masira.

Huwag iwanang nakasabit ang pantakip sa ilong at bibig sa iyong leeg o tainga. Panatilihin ito sa iyong ilong at bibig at iwasang hipuin ito. Kung hahawakan mo ang iyong pantakip habang suot ito, hugasang mabuti ang iyong mga kamay sa lalong madaling panahon.

Tanggalin ang iyong pantakip sa ilong at bibig sa pamamagitan ng paghawak sa nababanat na pantali o mga pisi nang hindi hinahawakan ang harap.

Itupi ang mga panlabas na parte ng pantakip sa ilong at bibig at ilagay ito sa isang malinis na bag. Puwede mong labhan ang pantakip pagkauwing pagkauwi mo, kasama ng ibang labahin.

2

3

Hindi dapat magsuot ng mga pantakip sa ilong at bibig ang mga batang wala pang dalawang taong gulang, mga taong may mga problema sa paghinga o mga may kapansanan o nangangailangan ng tulong sa pagtanggal ng kanilang mga pantakip.

Page 2: Pagsusuot ng Pantakip sa Ilong at Bibig sa mga

20-210-64W

FA

picto crevé

Halimbawa ng hindi tinatahi Halimbawa ng tinatahi

Madali ka lang makakagawa ng pantakip sa ilong at bibig gamit ang mga materyales na matatagpuan sa iyong bahay. Kung posible, gumamit ng masinsing tela gaya ng cotton na nadadaluyan ng hangin habang humihinga ka. Gumamit ng hindi bababa sa dalawang patong ng tela at siguraduhing komportable at kasyang-kasya sa iyong mukha ang pantakip mo sa ilong at bibig. Dapat malalabhan at mapapatuyo mo sa machine ang pantakip sa ilong at bibig nang hindi nasisira o umuurong. Maraming uri ng mga telang pantakip sa ilong at bibig.

Narito ang dalawang halimbawa na madaling gawin.

COVID-19 — Paano gawin ang iyong pantakip sa ilong at bibig

Mga materyales• Bandana o parisukat na telang cotton na humigit-

kumulang 50 x 50 cm• Lastiko o mga pantali ng buhok• Gunting, kung kailangan

Mga materyales• Dalawang 25 x 15 cm na

parihaba na telang cotton• Dalawang 15 cm na

nababanat na pantali o piraso ng pisi

• Karayom at bobby pin

• Sinulid• Gunting

Mga hakbangMga hakbang

1 2

3

6

4

3

5

Itupi ang bandana sa gitna.

Gumupit ng dalawang 25 x 15 cm na parihaba sa iyong telang cotton. Pagpatungin at tahiin ang mga ito.

Itupi ang itaas pababa at ang ibaba pataas.

Itupi ang gilid ng mahabang parte sa lapad na 0.5 cm at tahiin ang tupi. Ngayon, magtahi ng 1 cm tupi sa gilid ng bawat maiksing bahagi.

Ilagay ang mga lastiko o pantali ng buhok nang mga 15 cm ang pagitan.

Itupi ang bawat dulo tungo sa gitna at ipitin.

Iangat ang pantakip sa ilong at bibig sa pamamagitan ng paghawak sa mga nababanat na pantali, pagkatapos ay ilagay ito sa iyong mukha at isabit ang mga pantali sa iyong mga tainga.

I-adjust ang pantakip sa iyong sa ilong at bibig.

Ipasok ang 15 cm x 0.3 cm na nababanat na pantali sa mga tupi sa bawat gilid ng pantakip sa ilong at bibig. Ito ang isasabit sa mga tainga. Gumamit ng malaking karayom o bobby pin para dito at itali para pagdugtungin nang mahigpit ang mga dulo ng bawat pantali. Kung wala kang mga nababanat na pantali, gumamit ng pisi para mas mahaba at pagdugtungin ang mga ito sa likod ng iyong ulo.

2

4

Marahang hilahin ang nababanat na pantali para maikubli ang mga buhol sa mga tinahing tupi. Tipunin ang mga gilid sa nababanat na pantali o pisi at i-adjust ang pantakip sa iyong sa ilong at bibig. Ngayon itahi sa puwesto ang nababanat na pantali o pisi para hindi ito nahuhugot.

Binigyang-inpirasyon ng materyal na ginawa ng: Centers for Disease Control and Prevention, National Center for Immunization and Respiratory Diseases (NCIRD), Division of Viral Diseases. Use of Cloth Face Coverings to Help Slow the Spread of COVID-19 na makukuha nang libre sa sumusunod na address: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/diy-cloth-face-coverings.html

1