16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikatlong Markahan - Modyul 6: Sanaysay mula sa South Africa Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Pangalan: __________________________________ Baitang/Seksyon:_____________________________ Paaralan: __________________________________

Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

  • Upload
    others

  • View
    74

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Filipino Ikatlong Markahan - Modyul 6:

Sanaysay mula sa South Africa

Zest for Progress

Zeal of Partnership

10

Pangalan: __________________________________

Baitang/Seksyon:_____________________________

Paaralan: __________________________________

Page 2: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristian D. Dalis

Editor: Lindo O. Adasa Jr.

Tagasuri: July G. Saguin

Maricel Jarapan

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Amancio B. Cainta, Jr.

Tagalapat: Peter Alavanza, Teresita J. Cainta

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO VI

Oliver B. Talaoc, Ed. D.

Dr. Ella Grace M. Tagupa, Ed .D.

Lindo O. Adasa Jr.

Jephone P. Yorong , Ed.D.

Page 3: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan.

(F10PN-lllf-g-80)

Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanasay sa ibang

akda. (F10PB-lllf-g-84)

Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya).

(F10PTlllf-g-80)

Balikan

Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng isang sanaysay sa bawat bilang.

Lagyan ng tsek ( ) ang kahon kung tama ang isinasaad ng pahayag at

ekis ( X ) naman kung mali.

1. Maingat na pinipili ang pananalita.

2. Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.

3. Naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating

damdamin, at ipinahahayag sa panandaliang may angking aliw-iw.

4. Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa

pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang

tinatalakay.

5. May kawing ng magkakaugnay na pangyayari na sumisidhi

hanggang sa kasukdulan nito.

Page 4: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Tuklasin

Panuto: Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa sanaysay at pagkatapos

ay bumuo ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang napili. (3puntos)

Suriin

Alam mo ba na . . .

ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan

tungkol sa paksang nais nitong talakayin? Ang mahahalagang kaisipan sa

sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa

mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang

pagbalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at

pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang

panukalang buod ng komposisyon.

Aralin 6

Sanaysay mula sa South Africa

kuro-kuro ideya isyu

opinyon saloobin talumpati tugma

tauhan banghay sukat

balita pananaw

SANAYSAY

Page 5: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang

uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling

kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw

ng mambabasa.

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”

Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang

tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai wikang Pranses

na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok

sa anyo ng pagsulat.

Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.

Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:

Pormal Di-pormal o Personal

Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan

Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan,

o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos

sa paksang tinatalakay.

Nagbibigay-lugod sa pamamagitan

ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw, at

personal.

Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.

Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.

Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.

Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng

may-akda.

Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015

Nelson Mandela:Bayani ng Africa Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, katas-taasang mga

panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…

Ngayon, lahat tayong naririto ay

pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa

kasisilang na kalayaan gayundin naman sa mga

nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.

Mula sa mga karanasan ng di-

pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang

ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.

Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong

naririto ngayon.

Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat

isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa

tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.

Page 6: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinahagi sa lupaing ito

ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa

tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di

pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa

batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa nagging

pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng

rasismo.Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng

kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na

pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong

mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.

Pinasasalamatan naming ang aming mga pinagpipitagang panauhin

sa pagparito upang angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang

tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa

pagharap sa mga pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran,

pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa

lahi, at demokrasya.

Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan

at ang kanilang kalayaang political, pananampalataya, kababaihan,

kabataan, Negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang kongklusyong

ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-

galang na si F.W. de Klerk.

Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na. Tayo ay

nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.

Pumasok tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat

ng mamamayan ng Timog Africa, itim o puti, ay maglalakad na walang takot

sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang Karapatan sa pagkakaroon ng

dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at Pambansa.

Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim

Government of National Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan,

bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukujyang

nakakulong.

Inaalay naming ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito

at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang

mga buhay upang tayo ay lumaya.

Ang kanilang mga pangarap ay nagging makatotohanan. Kalayaan ang

kanilang handog.Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa

karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay

iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang

diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-

pantay ng kasarian.

Page 7: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.

Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng

pagiging katutubo sa mundo.

Maghari nawa ang Kalayaan. Pagpalain ka ng Diyos, Africa!

Salamat.

-Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung ano-ano ang mga ipinangakong pagbabago , layunin o kaisipang nabanggit ni Nelson Mandela

sa kanyang panunungkulan. Lagyan ng tsek ( ) ang kahon ng karunungan

kung ang pahayag ay totoo, at ekes ( X ) naman kung hindi totoo.

1. Sa pagkaluklok ni Mandela sa puwesto ay ang tagumpay rin

para sa katarungan, sa kapayapaan at para sa dignidad ng

kanyang mamamayan.

2. Ang pamahalaang nais ni Mandela ay nagkakaisa, walang

diskriminasyon ng lahi at pamahalaang naniniwala sa

pagkakapantay-pantay ng kasarian.

3. Isang kasunduan para sa Timog Africa na bubuo ng lipunan

na ang lahat ng mamamayan - itim o puti - ay maglalakad na

walang takot sa kanilang puso at tiyak ang kanilang

karapatan sa pagkakaroon ng dignidad.

4. Hinding-hindi na makakaranas ng kawalang-katarungan at

sakripisyo ang kanyang nasasakupan sa kawalang dignidad

at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.

5. Ang Deparment of Interior and Local Government na

sumisimbolo sa pagbabago ng kanilang bansa sa panahon ng

biglaang pangangailangan.

Panuto: Piliin at bilugan ang titik na tamang sagot.

1. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayaan ni Nelson Mandela sa

kaniyang talumpati. Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi, at

sa isang bansa?

A. Ang kalayaang tinutukoy ni Mandela ay ang karapatan ng mga itim

na pangkat sa Timog Africa na umupo sa mataas na posisyon sa

kanilang bansa.

B. Sa aking palagay ay ang pagnanais niya na magkasundo ang

kanyang mamamayan.

Page 8: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

C. Isang pamahalaang kumikilala sa katarungan, kapayapaan,

dignidad, pagkakapantay-pantay at demokrasya.

D. Ang Karapatan ng kanyang mamamayan na maglakad na walang

takot sa daan at walang diskriminasyon sa kasarian.

2. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong

magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?

A. Ipagpapasalamat at tatanawin na isang malaking utang na loob ang

kanyang kabayanihan.

B. Nalulugod at nagpapasalamat na sa wakas abot kamay na ang

kalayaan.

C. Iiyak dahil sa wakas dumating na ang pagbabagong inaasam at

kalayaang hinahangad.

D. Puno ng pag-asa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay may

isang pinunong may malasakit, pagmamahal at simbolo ng

katarungan at kalayaan sa kanyang mamamayan.

3. Sa ano-anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao,

lahi o bansa?

A. Kung ang mamamayan maitim o puti, mayaman o mahirap, babae

o lalaki ay nagkakaisa.

B. Kapag ang isang pinuno ay may malasakit at pagmamahal sa

kanyang nasasakupan.

C. Kung may diskriminasyon sa lahi, kasarian, karapatan at

kapayapaan.

D. Kapag mayroong politakal daynasti at ang mamamayan ay walang

magawa at sumunod na lamang sa kung anong gusto ng karamihan.

4. Ang talumpating ito ba ni Mandela ay isang halimbawa ng di-pormal

na sanaysay? Bakit?

A. Oo, dahil ang tono ay parang pakikipagkaibigan.

B. Hindi, sapagkat bukod sa nagbibigay ito ng impormasyon ay

maaayos at lohikal niyang natalakay ang isyu ng kanilang

lipunan.

C. Hindi, sa dahilang ang tinalakay na paksa ay pang-araw-araw at

personal lamang.

D. Oo, dahil pili ang mga salita na ginamit at kapitaga-pitaga ang

tono niya sa kanyang talumpati.

5. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na

kapayapaan, kalayaan at katarungan?

A. Tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang kinatawan ng kabataan at

ipapasa ang ilang panukalang pangkapayapaan, kalayaan at

katarungan ng mga kabataan.

B. Magtapos ng pag-aaral ng sa gayon ay maging kapakipakinabang sa

lipunan.

C. Ang pagiging isang mabuting ehemplo bilang masunurin, may

pagmamahal sa bansa at may pagkilala sa dignidad at karapatan ng

lahat.

Page 9: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

kagubatan karagatan katawan prutas

Silid-aklatan tinapay

D. Ang pangunahan ang isang rally upang ipahayag sa pamahalaan

ang karapatan ng mga kabataan.

Gawain

Gawain A

Panuto: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa

talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa

isa’t isa upang mabigyang-linaw kung bakit ito ang inyong nagging sagot.

1. bulaklak : hardin :: aklat : 2. berde : kapaligiran :: asul :

3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : 4. puso : katawan :: : puno

5. ______________ : gutom :: tubig : uhaw

Gawain B

Panuto: Paghambingin ang dalawang uri ng panitikan. Piliin sa parihaba

ang mga salita o parirala na ipinagkaiba at ipinagkatulad ng dalawa. Isulat

sa kahon ang iyong sagot.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

1.

2.

1.

2.

1.

2.

Sanaysay Maikling kuwento

Pagsasalaysay Nagbibigay aral

guniguni makatotohanan

Tiyak na paksa

Pangunahing

tauhan

Page 10: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Isaisip Panuto: Sagutin nang may katapatan. Punan ang patlang ng mga salitang

kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot.

talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Sa araling ito, natuklasan ko na ang 1. ________________ ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling

kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.

May 2. _________________ ang uri ang sanaysay tulad ng pormal at di-

pormal. Ang 3. ________________ ay isang halimbawa ng sanaysay. Ang

katangian ng 4. ________________ na uri ng sanaysay ay nagbibigay-lugod

sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-

araw, at personal. Ang 5. _______________na sanaysay naman ay nagbibigay

ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham

at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.

Tayahin

Para sa bilang 1-4

1. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong

magiging damdamin sa talumpati ni Mandela?

A. Ipagpapasalamat at tatanawin na isang malaking utang na loob

ang kanyang kabayanihan.

I. Panuto: Piliin at bilugan ang titik na tamang sagot.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinahagi sa lupaing ito

ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa

tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di

pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang

paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga na ideolohiya at pagkakaroon

ng rasismo.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

Page 11: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

B. Nalulugod at nagpapasalamat na sa wakas abot kamay na ang

kalayaan.

C. Iiyak dahil sa wakas dumating na ang pagbabagong inaasam at

kalayaang hinahangad.

D. Puno ng pag-asa sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay may

isang pinunong may malasakit, pagmamahal at simbolo ng

katarungan at kalayaan sa kanyang mamamayan.

2. Batay sa bahagi ng talumpati ni Mandela , ano ang isa sa maaaring

maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa?

A. pagpapahirap sa mamamayan

B. pagkakaroon ng malupit na pinuno

C. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa

D. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa

buhay.

3. Ang talumpating ito ay masasabi mo bang isang uri ng sanaysay na

pormal?

A. Hindi sapagkat ito ay subhektibo na tumatalakay sa paksang

karaniwan, pang-araw-araw, at personal.

B. Oo, sapagkat ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap

lamang.

C. Hindi dahil ito ay obhektibo at ang tono ay mapitagan at nagbibigay

ng impormasyon.

D. Oo, dahil ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa dating

kalagayan ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat din siya na

magkaroon ng kalayaan.

4. Sa kanyang binigay na talumpati ano sa tingin mo ang kanyang

layunin?

A. Nais niyang imulat ang tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa

nangyayaring karahasan laban sa mga tribo ng Africa at hangarin

na pagkakaisa sa itim at puting mamamayan ng Africa na labanan

ang hindi pantay na pagtrato sa kanila.

B. Ipahayag sa buong mundo na lahat ng tao ay may karapatan na

mamuno sa kanyang bansa ano paman ang kulay at lahi nito.

C. Ipakita ang kanyang tapang at sigaw ng damdamin at mapapait na

karanasan.

D. Paghihiganti sa lahat ng masasamang naranasan ng kanyang

mamamayan sa mga putting lahi.

5. Ang mga sumusunod ay mga katangiang taglay ng isang sanaysay,

maliban sa ?

I. Naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating

sa ating damdamin, at ipinahahayag sa panandaliang may

angking aliw-iw.

II. Malaya ang manunulat sa pagtalakay ng isang paksa o

tema.

Page 12: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

III. May pagnanasang magpaliwanag, manghikayat, at

magturo tungo sa pangkaunlaran-isip at moral ng

mambabasa.

IV. May kawing ng magkakaugnay na pangyayari na sumisidhi

hanggang sa kasukdulan nito.

V. Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa

pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa

paksang tinatalakay.

A. III at II B. IV C. I D. B at C

Para sa bilang 6-8

6. Paglabag : pagsunod :: kinutya :

A. pinasalamatan B. pinatawad C. pinuri D. pinaubaya

7. nakakasuklam : nakakagalit :: nakapanlulumo :

A. nakakairita B. nakapanlalambot C. walang gana D. nakakainis

8. kumitil : bumuhay :: minaliit :

A. pumatay B. pinagmalaki C. pinuri D. itinaas

9. Paano naiiba ang sanaysay sa ibang mga akdang panitikan?

A. Ang sanaysay ay nakabatay sa riyalidad samantalang ang ibang

uri ng panitikan ay may kalakip na kathang-isip.

B. Dahil ang layunin nito ay maipakita kung ano ang Ito ay

nagpapakita ng iba’t ibang emosyon tulad ng lungkot,

kasiyahan,pag-ibig at marami pang iba.

C. Nakapagbibigay ang akdang ito ng mahahalagang aral o mensahe

sa mambabasa.

D. pangkalahatang kaisipan ng manunulat sa maikling paraan.

10. Bilang kabataan, paano ka magiging susi ng pinapangarap na

kapayapaan, kalayaan at katarungan?

A. Tumakbo sa susunod na eleksiyon bilang kinatawan ng kabataan at

ipapasa ang ilang panukalang pangkapayapaan, kalayaan at

katarungan ng mga kabataan.

B. Magtapos ng pag-aaral ng sa gayon ay maging kapakipakinabang sa

lipunan.

C. Ang pagiging isang mabuting ehemplo bilang masunurin, may

pagmamahal sa bansa at may pagkilala sa dignidad at karapatan ng

lahat.

D. Ang pangunahan ang isang rally upang ipahayag sa pamahalaan

ang karapatan ng mga kabataan.

II. Panuto: Buoin ang analohiya sa bawat bilang na kabilang sa pahina.

Page 13: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Karagdagang Gawain

Ngayong natuklasan mo na ang talumpati ni Nelson Mandela ay naging

daan sa paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa at ito ay

isang magandang halimbawa ng isang pormal na sanaysay. Ngayon naman

ay subuking gumawa ng isang sanaysay na di-pormal na pumapaksa sa

“Edukasyon sa panahon ng Pandemya” . Balikan ang katangian nito sa

itaas na bahagi ng iyong modyul. Kung kukulangin ang espayong inilaan sa

iyong sanaysay gumamit ng malinis na papel. Ang iyong isinulat na sanaysay

ay tatayahin gamit ang rubrik sa ibaba.

Rubrik sa Pagsusulat ng Sanaysay

Kategorya Kahanga-hanga

(3)

Magaling

(2)

Pagbutihin pa

(1)

Introduksyon Nakapanghihikayat ang

introduksyon. Malinaw na

nakalahad ang

pangunahing paksa

gayundin ang panlahat na

pagtanaw ukol dito.

Nakalahad sa

introduksyon ang

pangunahing

paksa subalit hindi

sapat ang

pagpapaliwanag

ukol dito.

Hindi Nakita sa

ginawang

sanaysay.

Diskusyon Makabuluhan ang bawat

talata dahil sa husay na

pagpapaliwanag at

pagtalakay tungkol sa

paksa.

May kakulangan

sa detalye.

Hindi nadebelop

ang mga

pangunahing

ideya.

Organisasyon

ng mga ideya

Lohikal at mahusay ang

pagkakasunod-sunod ng

mga ideya; gumagamit din

ng mga tradisyunal na

pantulong tungo sa

kalinawan ng mga ideya.

Lohikal ang

pagkakaayos ng

mga talata subalit

ang mga ideya ay

hindi ganap na

nadebelop.

Walang patunay

na organisado ang

pagkakalahad ng

sanaysay.

Konklusyon Nakapanghahamon ang

konklusyon at naipapakita

ang pangkalahatang

palagay o pasya batay sa

katibayan at mga

Hindi ganap na

naipakita ang

pangkalahatang

palagay o pasya

tungkol sa paksa

batay sa mga

May kakulangan

at walang pokus

ang konklusyon

Page 14: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

katwirang inisa-isa sa

bahaging gitna.

katibayan at mga

katwirang inisa-isa

sa bahaging gitna.

Gamit at

Mekaniks

Walang pagkakamali sa

mga bantas, kapitalisasyon

at pagbabaybay. Gayundin

ang estruktura ng mga

pangungusap at gamit ng

mga salita.

May iilang

pagkakamali sa

mga bantas,

kapitalisasyon ,

pagbabaybay at sa

estruktura ng mga

pangungusap.

Maraming

pagkakamali sa

mga bantas,

kapitalisasyon,

pagbabaybay at

maging ang

estruktura ng mga

pangungusap.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________.

Page 15: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

Gawain A

1.Silid-aklatan

2.karagatan

3.katawan

4.prutas

5.tinapay

Gawain B.

Pagkakaiba

1.tiyak na paksa

2.makatotohanan

Pagkakatulad

1.Pagsasalaysay

2.Nagbibigay aral

Pgagkakaiba

1.Guniguni

2.Pangunahing

tauhan

Tayahin

1.D 10. C

2.D

3.A 4.D

5. C 6.B 7.D 8.A 9.C

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

AKLAT Ambat, Vilma, et. al. (2015). Filipino 10, Pantikang Pandaigdig ( Modyul para sa mga

Mag-aaral). Vibal Group, Inc., pp. 263-270

Internet / Websites: http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fmasaroman.com%2Fmo%2Findex.php%F2019%2F12%2F11%2Fpagtangkilik-sa-sariling-atin-essayformat&psig=AOvVaw0PzbQjworlk5E3u12PTTle&ust=1606614344014000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPDmyLacpO0CFQAAAAAdAAAAABAJ

Balikan

X

X

Tuklasin

Gawain 1

Kuro-kuro, ideya, isyu,

opinyon, saloobin,

talumpati, pananaw

Pagyamanin

X

1.C

2.D

3.C

4.C

5.B

Isaisip

1.Sanaysay

2.Dalawa

3.Talumpati

4.Di-pormal

5.pormal

Page 16: Republic of the Philippines - ZNNHSPunan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa pahayag sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga sagot. talumpati di- pormal dalawa sanaysay pormal

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.